Kung Hei Fat Choi! Tikoy day na naman. Mwehehehe…

‘Alala ko nung nasa college pa ako, palagi akong makakatanggap ng tikoy galing kay Chinese Joyce tuwing chinese new year. Nakakatawa nga yung first time kong makatanggap ng tikoy galing sa kanya, di ko alam na niluluto pala yun. Kaya ayun, kinain ko nang hilaw. Nagtataka pa nga ako nun kung bakit bigay nang bigay tong mga chinoy ng tikoy, eh ang hirap kainin kasi super makunat.

Kaya sa mga taong nakatanggap ng tikoy (o kayay bumili ng tikoy na nasa pulang box) at di alam kung ano ang gagawin: unang-una, ito ay hinihiwa ng maninipis. Tapos, i-isawsaw sa itlog saka iprito sa mantika. Antaying mag’golden brown’, yan ang palatandaan na ito ay luto na at pwede nang kainin.

P.S. Sabi ni Joyce mas masarap daw yung inaamag na tikoy.

Advertisements