1. Losing Weight

Whenever I start losing weight, napapraning ako… I whine and whine and whine (sorry sa mga sounding boards ko) and will try to force feed myself kahit medyo busog pa. Maybe I’m the only person with this kind of psychological problem. Come to think, most people are concerned with weight loss. Ako naman, weight gain. Pramis. Hirap na hirap talaga akong mag-gain ng weight at ang dali-dali ko namang pumayat. Kung magskip ako ng two meals, feeling ko pumapayat na ako.My target weight is 112 lbs., at never ko talagang na-achieve ‘to kahit 1 1/2 cups of rice every meal ningunguya. Ok lang sana kung ang bones ko pang-model. Eh, super hindi naman. With my eyebags, lalo akong nagmumukhang nagda-drugs o kaya may insomnia. Ano kaya ang tawag sa sakit na opposite ng anorexia nervousa? (PS nagdedeworm ako no…)

2. Emotional Blackmail

Please friends, huwag na huwag nyong gawin to sa akin kasi di ako makatiis sa mga ganito. Kahit sa mga simpleng “bakit di ka sasama sa outing? Miminsan lang naman tayo nagkikita ah.” to over na “di kumpleto ang gimik kung wala ikaw.” Ahhhhhh! Napapraning talaga ako sa mga ganitong statements. Meron pala akong another term for this… guilt loading. When I say ‘no’ please tanggapin nyo na, wag nang dagdagan pa.

3. Zits

My face has a very interesting topography. From gentle hilly contours to erupting Mt. Kinabalu. Kumpleto, plains and craters. Trenta anyos na ako bakit hindi pa rin natatapos ang facial tectonics na to? Kaya tuloy, nanganganganib ang KL trip ko this summer. Ang lakas kasi ng tawag ng Dermclinic sa SM.

Advertisements