Ang dami kong gustong isulat ngayon kaya lang hindi ko dapat isulat ang mga yun dito.

Gabing-gabi na pero dumaan talaga ako sa isang internet cafe kasi kala ko kaya kong isulat ang mga bumabalabag sa isipan ko ngayon. Di pala. Ito ay di dahil sa kaduwagan kundi sa kamalayang hindi ito para sa publiko.

Idaan ko na lang ito mamya sa iyak. Mag-isa. Hindi yung ngawang iyak. Kundi yung yakap ang unan na iyak. Ito talaga ang panahong kailangan ko ang nanay ko.


Advertisements