Papuntang airport.

Me : Manong, sa airport.
Taxidrayber : Pa-Japan ka miss?
Me : Dili no! (violent reaction si me)
Taxidrayber : Aw, dili man… basi diay Japanese descent ka.
Me : huh…?

Mr. Taxidrayber bakit mo namang naitanong yan sa akin? Di naman blond ang buhok ko. Kulay sunog ang balat ko. Di naman ako naka-platform shoes at spaghetti straps. Wala rin akong bling-bling. AT bakit mo naman akong napagkamalang japanese descent? Di naman ako singkit. Apo ng Bombay pwede pa… pero Hapon, ang layo naman nun.

****

Sa airport.

Taxidrayber : Happy trip. Magkita na jud mo sa imong mister.
Me : aaakk…

Mr. Taxidrayber bakit ka naman nag-assume na may mister na ako? Wala naman akong singsing na suot. Mukha na ba akong misis?

****

Ang nasa isip siguro ng mokong na drayber na yun ay susunduin ko ang mister kong hapon sa manila. Hahahaha! Aba may potential si manong drayber na maging creative writer. Ang galing ng imahinasyon nya — isipin nyo ako… isang japayuki at may asawang hapon. Interesting.

****

Kahit gustuhin ko mang maging japayuki, walang recruitment agency ang kukuha sa akin no.Wala kasi akong talent sa larangan ng sayaw at kanta. Malulugi si Mama San sa akin. Di rin ako pwedeng magpuyat, kasi half-dead na ako pagsapit ng 9 ng gabi. At kailangan ko ng sangkatutak na bleaching cream para sa sunog kong balat. Malaki-laki ang kailangang initial investment kaya malulugi talaga. Tsk, tsk, tsk.

****

True, naaaliw ako sa Japanese fashion, ma-Kogal man o Gothloli. Parang deconstructed western fashion kasi. Pero kahit kering-keri nila ang mga damit na yun, di ko ma-imagine ang sarili kong mag-suot ng mga yan. Wahaaa! Ako? A Harajuku girl? Parang 1=0 equation ata yan.

Advertisements