Parang kumunti ang mga tao sa opisina ngayon. Dati kasi parang palaging may taong naiiwan dun– nagtatrabaho sa carrel, nagko-computer o kaya natutulog sa couch. Ngayon, ilang beses ko nang naranasang mag-isa sa office o kaya’y dumaan sa pinto ng kabilang office dahil lock ang pinto namin.

Parang mas tahimik din ang opisina ngayon. Dati, halos palaging may nag-uusap, nakikipag-usap o kaya kinakausap ang sarili. Ngayon, parang seryoso ang drama ng mga tao. Pati ako feel ko na rin ang tahimik (ows…).

May mga bagong kasama naman kami ngayon, kapalit sa mga taong umalis para pumunta sa dapat nilang puntahan. Lumipat din ako sa ibang carrel. Yung malapit sa CR, filing cabinet, sofa at malaking table. Malapit din sa bintana … natatanaw ko na palagi ang mga puno at ____ sa labas.

At sa wakas, nilinis na ng janitor ang ref, tinapon na ang mga ‘ecosystem projects’ ng dalawang opisina. Yung yogurt, iced tea, ice cream at iba pang Unidentified Frozen Objects. By the way, nailabas na rin ang toothbrush na matagal ng iniiwan sa eggs compartment. Ewan ko na lang kung may magbalik nito sa loob ng ref. Na naman. War na talaga ‘to.

Advertisements