Dahil centennial ng peyups ngayon, sasagutin ko tong meme na ito na nakuha ko somewhere:

1. Student number?
1993-35542

2. College?
College of Architecture

3. Ano ang course mo?
BS Architecture

4. Nag-shift ka ba o na-kickout?
Neither

5. Saan ka kumuha ng UPCAT?
IDS, MSU_IIT

6. Favorite GE subject?
SocSci1 (dahil cute at matalino ang teacher, harhar!)

7. Favorite PE?
Bowling (dahil umitim ako sa swimming, frustrated sa badminton, nakagat ng limatik sa camping at nahilo sa aikido)

8. Saan ka nag-aabang ng hot guy sa UP?
Sa sidewalk habang nag-aabang ng jeep. Hehehe! Actually sa building pa lang namin marami nang hot guys.

9. Favorite prof(s)
Si Sir Stanley at yung prof ko sa PI 100.

10. Pinaka-ayaw na GE subject.
Wala. Enjoy ako lahat.

11. Kumuha ka ba ng Wed or Sat classes?
Usually PE subjects.

12. Nakapag-field trip ka ba?
Wala. Kainis.

13. Naging CS ka na ba or US sa UP?
CS yes, US never.

14. Ano ang Org/Frat/Soro mo?
UPTFA at UP Agape

15. Saan ka tumatambay palagi?
Sa TFA Tambayan (dahil palaging may happenings dun) at sa ArkiLibrary (dahil my aircon, masarap matulog)

16. Dorm, Boarding house, o Bahay?
Rented a Studio.

17. Kung walang UPCAT test at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano yun?
Fine Arts (either advertising and visual arts; di ko kasi alam na may industrial design)

18. Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP?
Si Miggy na taga-Bulacan.

19. First play na napanood mo sa UP?
Nakalimutan ko na ang pamagat pero alala ko produksyon sya ng Teatrong Pambata.

20. Name the 5 most conyo orgs in UP.
Sigma Delta, Post and Lintel, IE. (sorry di ko kasi pinapansin ang mga conyo dati

21. Name 5 of the coolest orgs/frats/soro in UP.
TFA (love my own), UP Rep, Gears and Pinions (mga barako, haha!), yung iba di ko na alam basta nasa ibang colleges.

22. May frat/soro bang nag-recruit sa yo?
Wala.

23. Saan ka madalas mag-lunch?
Sa canteen ni Lizard, na nasa 5th floor ng Eng’g Building.

24. Masaya ba sa UP?
Yupiyup.

25. Nakasama ka na ba sa rally?
Yes, kung matatawag mo yun na rally. Waz kasi masyadong happenings noong nandoon pa ako sa UPDil.

26. Ilang beses ka bumoto sa Student Council?
4 times siguro. At oo, I once voted for Archie “Braveheart” Guevarra.

27. Name at least 5 leftist groups in UP.
LFS (nakalimutan ko na yung iba, pati na yung sinalihan ko)

28. Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka?
Di pumasok sa utak ko. Weird kasi ako.

29. Kanino ka pinaka-patay sa UP?
Yung guy na taga-Econ na palagi kong nakakasabay sa ikot jeep.

30. Kung di ka UP, anong school ka?
Sa MSU-IIT, malapit sa bahay.

Advertisements